BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, April 26, 2010

Belated Happy Bday Frinz :))

Ngayon ko lang ito nablog dahil kahapon lang din namin nacelebrate ang Birthday.


Unang una, nagmeet kami sa Jollibee. Excited ako kasi 1 month akong hindi nakagala dahil nasa Laguna ako, makikita ko na rin ang tropa ko. Yiee. Pagpunta ko ng Jollibee, ako nalang pala hinihintay as usual ako lagi ang huling nadating pag may gala, nakaugalian ko na yun kasi ayokong naghihintay. Ayokong maulit yung nangyari sakin na matagal akong naghintay sa mga kasama ko, inis ako nun kasi parang nagtitinda narin ako ng sagibg kasi ang tagal kong nakatayo sa tabi ng tindahan ng saging. Hayy, nakakasar talaga yun. lol.

Yun, pagkakaita nila skin pinag3pan nila yung malago kong buhok, muka na daw akong Korean sabi nila, gwpo daw, sa mga pumuri maraming salamat, sa pasukan na bayad niyo. Hahahaha

Kumain kami sa KFC pagkatapos nagDOTa sila ako namn nagFacebook, bumuluga sakin ang 99 notifications at 5 Messages kasi matagal na din akong hindi nakakapagbukas. Pagkatapos nagArcade kami, Masaya naman, Pagkatapos nun, Nagsiuwian na iba, ako nahihilo na kaya umuwi narin ako, nagkwenuhan sa bus, naglabas ng saloobin ang mga nakasama ko sa Bus, haayy, drama talaga nila pero okay na rin yun at least nagoopen up na sila.

Thursday, April 22, 2010

Bye Bye Laguna :(


Bye Bye Laguna. Waa, last day ko na bukas dito sa Laguna. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang eh, nasagutan ang paa ko papunta dito. Nataranta ako nun, ang daming lumabas na dugo, I thought hospital na ang katapat nun, Alcohol lang pala, masakit pero kailangan tiisin. Ayun, may posibilidad pa naman na bumalik ako dito ngayong month din. At kung hindi naman, christmas vacation o sa summer vacation pa ang susunod. Ewan ko bakit nalulungkot ako pag-uuwi na ako pero at the same time eh masaya narin. Buti swimming namin bukas kaya makakalimutan ko na din.


Babalik na ko sa Realidad ng buhay. Tama na ang buhay prinsipe dito. Siguro kaya gustong-gusto ko dito marahil ay nakakapagrelax ako sa mga stressful na problema. Peaceful kasi dito, tahimik, wala masyadong tao pero hindi naman ito yung iniisip mo na walang kapitbahay, na puro bukid at nagsasaka ako buong araw. Hindi. Parang lan din nasa Metro Manila ako, pero mas relaxing. Nagagawa ko gusto ko dito dahil sa kadalasan ay naiiwan ako mag-isa sa bahay. Nakakapagmoment ako, nakakapagcomputer pag gusto. Pero sabi nga nila, patikim lang iyan. Hahaha. Pero okay na rin na babalik ako, namimiss ko na din ang aking siyudad na sinilangan.

Ngayon pala ay graduation ng Pinsan ko sa DLSU-Dasmariñas.Whoa, graduation. Boring pero ang daming pumapasok sa utak ko. Sinabi ko sa sarili ko, hahantong kaya ako diyan sa mga susunod na taon sa kursong gusto ko. Nakakaiyak siguro ang college graduation dahil lahat ng pagdurusa mo simula Nursery hanngang mag4th Year college ka ay magwawakas na. Pero sabi nga ni Athony Pangilinan (Speaker sa Graduation, kapatid ni Kiko Pangilinan) ay next level na ang paggraduate meaning It is another chapter in our life parang libro diba? Haay. Next year ako naman ang gagraduate sa high school. Nakakalungkot pero kailangan talaga sa buhay iyan eh. Wala tayong magagawa. Sa ngayon ang daming Course na pumapasok sa kili-kili ko, Architect, HRM atbp. Basta Tadhana nalang ang magtatakda na aking kapalaran.

Hayyy, Buhayy nga naman. Everything comes to an end. Totoo tong quote na ito. Mamimiss ko ang pinsan ko at ang tita ko lalo na ang mga isda at ibon na pinapakain ko (oopss, wala po ako sa Zoo. Love Birds at Gold fish lang yan) hahaha. Mamimiss ko din ang daily routine ko araw-araw kahit boring pero nag-eenjoy ako sa mga boring moments na iyon. Bye Bye Laguna.

23 :))



Kung sino po ang nakakita sa lola jessa ko, pakicontact nalang po ang mga sumusunod na numero: 09232223220. Huling nakitang nakaduster na polka dots at naka high heels na wasak, maraming salamat po. LOL


23 :))
Happy Birthday Jessa Mae Valeriano. Ingat sa buhay mo at sa lahat. Yun, salamat. At sorry di ako makakapunta sa Birthday mo, nasabay sa Family Swimming ih. Hehehe. Bawi nalang ako next tym. Take care. Pakasaya kayo. :))








Monday, April 19, 2010

Happy Birthday Chielou!


Kung sino po ang nakakaalam nang kinaroroonan nitong alaga kong hayop, ipagbigay alam lang po sa PETA office. Huling nakit sa damuhan. Maraming salamat po. Joke lang!

Babatiin ko lang nang happy birthday ang aking kaasaran ko na si
Chriseis Loureen Alviar. Wag mo kaming kakalimutan ah. Stay strong, God Bless At Take Care. yieehhaaa! Diet ka pala! XP

Tropang Break time!

Tropang Break Time naman ang ipopost ko. Tropang Break Time ang tawag ko sa kanila kasi sila ang nakakasama ko tuwing lunch at recess. Di ko na sila nakakasama sa uwian dahil hindi ako naglalaro ng hobby nila, ang DOTA. Favorite past time nila yan pati ang Basketball. Ilang taon narin kami magkakasama simula ng lumipat ako sa School ko ngayon noong grade 5 buti walang nababawas at nadadagdagan pa. Papakilala ko na ang mga Pogi:


>>Agot, Tim
Hindi ko masyadong kilala si Tim kasi di ko pa siya nagiging Klasmate pero nakakasabay ko siya maglunch. Mabait naman ito, Tahimik. Magaling din siya sa Computer as in sa Computer hindi sa mga laro. Ewan ko lang.

>>Diego, Reymar
Itong si Reymar Dirgogogogogogo! Hehehe! ang isa sa mabait sa tropa. Gentleman kasi siya at maloko puno ng kalokohan. Masarap siyang pagtripan kasi hindi siya nagagalit pero kung makapagMood Swing siya eg parang 2012 na. Grabe, as in hindi mo siya makakausap buong araw kapang nabadtrip siya. Lalo na nung last day noong 3rd Year, hindi siya gumala dahil wala siya sa Mood. hmm. Totoo siya kung magmahal ng isang babae, gentleman nga kasi siya pero nauwi sa hindi maganda ang kanyang pasts. Isa rin pala siya sa mga Negers sa tropa. Peace tayo. hehehe.

>>Leonardo, Edzen Jan
Ito naman ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ko sa tropa. Halos pareho kasi kami ng ugali, palatawa, palabiro at maingay. Ayaw namin na may dull moment sa tropa yun bang kuliglig nalang ang maririnig mo. Lagi ko rin siyang nakakasama sa galaan, gala rin kasi siya kahit ubos na yung pera niya CaCabal. Hindi rin siya pikon kagaya ng iba, manlalait din kasi siya. Masikreto rin siya kaya madugas siya. Sa kabutihanp palad, di PA siya Negers. As well as others, Moody rin siya. Memeber ito ng SAWI (Single at Walang Iniintindi)

>>Llanto, Hanns Dominic
Master Hanns ang tawag namin sa kanya. Paano ba naman kasi, nung nagsabog yata ngtalento ang Diyos eh, nahakot niya halos. Math wizard to, natatandaan ko pa nga noong First Year, may sinosolve yung Algebra Teacher namin pero hindi niya masagutan, ang nakasagot? Sino pa eh di si Hanns, doon talaga ako bumilib sa kanya. Kaya hanggang ngayon, Outstanding Pupil siya. Magaling din siya maggitara, Rock en Roll Hanns! Isa rin ata siya sa mga Negers sa Tropa. XP

>>Maravilla, Justin Angelo
Ito naman ang tsinito ng tropa, sa sobrang singkit ng mata niya ay parang natutulog nalang siya. Marami itong nagiging crush, sa sobrang dami hindi ko na alam kung sinu-sino, magugulat nalang ako sa mga GM niya, bago na pala. Matagal na rin tong walang nagiging GF kagaya ko o may Gf siya pero ayaw niya sabihin. Haha. Sobrang kulit nito lalo na kapag nagpapalibre. Maloko din. Sa kabutihang palad, maputi Pa naman siya. hehehehe.

>>Navarro, Arnold Rodnic
Ito naman si Arnold, close ko siya noong elementary kasama si Ferrie pero ngayon hindi na masyado, ewan ko kung bakit. Palabiro rin ito kagaya ng karamihan. Siya ang paborito kong pagtripan pag Lunch, lahat ng malalait sa kanya eh nasabi ko na ata pero hindi siya napipikon (Ewan ko lang ah), nakikitawa pa nga siya. Maraming nagkacrush dito dahil kakaiba ang ugali niya. Including si Mikee. Wahahaha. Ito ang masasabi kong Neger sa Tropa. hahahaha.

>>Quintero, Ramon Paolo
Ito naman si Ramon ay Super Talented din. As in Super! Lugi na nga ang school sa kanya eh, libre na ata tution niya. Eh kasi naman, siya ang Valedictorian namin nung Grade 6, Boys Choir (Libre Tution) at nagpiapiano pa siya para Church ng School namin. Sige na, IKAW NA! Penge namn ako ng talent o katalinuhan. Hahahahaha. PLEASE! Maputi pala ito.

>>Pancho, Jan Ferrie
Ito naman si Ferrie ay naging Classmate ko nung Third Year kaya most of the break time, palagi mo kaming makikitang magkasama. Nasa Best Section kasi karamihan nang tropa, natanggal kami ni Ferrie noong 2nd Year kasama si Aldrin at Edzen kaso nakabalik sila Best section.. Mabait siya, magaling sumayaw. Talented kumbaga. Corny siya magjoke pero minsan nakakabanat ng Todo. hahahaha. Hindi siya Neger, buti naman.

>>Razon, Zean Kristian
Itong si Syan o Zyan ang bestfriend ni Jermyn. Medyo hawig sila ng ugali. Hindi naman siya masyadong weirdo pero kapag tumingin ka sa kanya aakalin mong 11 years old siya. Naalala ko nung nanuod kami ng "I Am Legend" muntik na kaming hindi papasukin dahil akala nung guard eh bata pa siya. No offense pero matinik to siya Chicks, yung ang hindi mo aakalain sa kanya. Natatawa din ako kapag biglang siyang lalapit tapos hahampasin niya yung DibDib ko, naiisip ko nalang, pagbigyan ang bata. Naruto daw siya o si Ang ng Avatar. Peace tayo Zean. Matalino to, Promise! Madami pa akong gusto sabihin sa kanya kaso sobrang haba na! Hahahahaha. Hindi rin pala siya Neger.

>>Riomalos, Jermyn (JAMES)
Ewan ko kung bakit pilit niyang dinurugtong ang James (Hango kay Lebron James) sa pangalan niya. Hindi ko alam kung may autism ba sya o trip niya lang. Pareho sila ni Zean na medyo weird pero matinik siya sa Chicks.I wonder kung saang planeta sila galing ni Zean. Hindi ko alam kung bakit everytime titingin ako sa kanya eh, natatawa ako. Matalino din ito kaso nasira ng Medal niya dahil sa isang misunderstood na insidente. Nanghihinayang talaga ako dun, pero ganyan talaga ang buhay eh. Hindi ko masabi kung Neger siya, dahil ayun sa Noli Me Tangere eh, taong madilaw siya. LOL

>>Rubio, Frinz Moey
Itong si Frinz eh malaki ang utak. Malaki kasi matalino at magaling sa computer. Wala akong masabi sa kanya masyado dahil di kami masyado nagkakausap. Pano ba naman, pakalat kalat siya sa school grounds, magugulat nalang kami, makakasalubong namin siya o kaya naman ay susulpot bigla sa table. Mahilig din siya magpromise pero hindi ko alam kung Guni-Guni ko ba yung promise na yun o panaginip kung bakit? Wag niyo na tanungin. Hahaha. May crush to simula pa noong Grade six pero sadyang Hard to Get yung crush niya. Goodluck at advance Happy Birthday Frinz. Negerz ata to eh.

>>Torres, Christian Paul
Hindi ko siya masyadong close kasi ngayong Year lang kami nagkakilala. Mabait naman siguro siya, palabiro. Matangakad ito at alam mong may breeding. Well raised ika nga nila. Matangakad siya. Sabi ni Edzen, gusto daw niya ako maging close, ganun din naman ako sa kanya.

>>Vargas, Aldrin
Ito namang si Aldrin eh, ang komedyante sa Tropa. Marami siyang alam na jokes. Maski magbadingbadingan eh ok lang sa kanya basta makakapagtawa siya ng tao.Kapag tinitignan ko siya naalala ko si Homer Simpson, hindi ko alam kung bakit basta may Comparison sila. Naging close din kami nito nung 2nd Year, sabay kasi kami natanggal sa Best Section, tapos naging magkaklase kame, naging close pa kami sa Volleyball, magaling siyang setter. NAgchampion tuloy kami nung 2nd year. Ngayon, nagiging Neger narin siya. :)

Sila ang mga nakakasama ko mostly sa School. Very supportive sila, minsan nga lang nagkakaproblema dahil karamihan sa kanila ay MOODY pero hindi ako kasama dun. Sana maging smooth ang samahan namin next school year! SANA! Diba Edzen?

Chixi Love

Itong post na ito ay dedicated sa CHIXI! CHIXI? Anu yun? Sino sila? Tatalakayin na natin ngayon yan.

CHIXILOG/CHIXI EXPRESS/GROUP SIX
Nabuo ang pagkakaibigan na yan noong November 10, 2007 dahil sa isang computer project. Araw gabi, pinagbuhusan namin ng pagod at oras yung project na yun. ang resulta? Yung project na yun ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa buong year. Pero para sa akin, hindi big deal yung grade na yun, ang talagang the best dun sa project ay yung pagkakaibigan na nabuo. Binubuo ang grupo nang 5 babae at 1 lalaki. Kumbaga ako si Noynoy sila naman ang mga kapatid ko na gumagabay sa akin. Tama na siguro ang introduction masyado ng mahaba. Isa-isahin natin silang 5:

>>Abalos, Christine Anne/Muchenes
Isa to sa mga pinakamabait na tao na nakilala ko! Yung tipo na kahit ipapalamon na siya sa leon bukas ay tutulungan ka parin niya sa problema mo. Oo ganun siya, lahat na yata ng uri ng problema ay natulungan niya ako. Siguro namana niya sa mommy niya at ninang ko rin ang kabaitan niya, suki rin ako sa bahay nila. Hehehe. Ngayon, hindi ko alam kung paano siya papasalamatan, kahit yata magsayaw ako ng ispagetti sa gitna ng EDSA ay kulang parin. Mahinhin siya, pati tawa niya mahinhin, gusto nga namin siyang maging wild eh hindi namin kaya. Siguro siya na talaga yun, hindi mo na mababago. Rock On Christine. \m/ Gusto ko na sanang ipabeatify to sa Vatican kasi pag kulang ang pamasahe ko.. "Christine, may piso ka ba diyan?". Hehehe.

>>Delfin, Alyssa Bianca/Ysang
Itong si Bianca naman, isa sa pinakamalapit na kaibigan ko. Alam mo kung bakit? Eh kasi palagi ko siyang nakakasama, sa uwian, sa galaan atbp. Parehas kami ng ugali nito, palatawa, komedyante, laitera kaya siguro super vibes kami pero hindi lagi, madalas kami mag-away nito kahit mababaw ang dahilan kagaya ng siya ang nauna sa paggamit ng computer ni Christine, nakakatawa pero totoo. Ilang beses na rin niya akong napatawa dahil sa mga kalokohan niya, marami akong natutunan sa kanya dahil Mature siya mag-sip. Para siyang Bitoy at Bob Ong na babae. Physical looks? Mabait siya actually kagaya ni Mary Ann. Cute siya, yun lang! hahahaha. Peace tayo Alyssarat(AY! Nabuko!) hahahah.

>>Mungues, Mary Ann Genette/Inday Rosita
Ito naman si Magsculado, kapag sa unang tingin aakalain mong loka loka siya pero loka loka talaga siya sa ugali naman. Hahaha. Mabait din to si Mary Ann. Mabait Mabait Mabait. Kagaya ni Alyssa. HAHAHA. Hindi biro lang. Hindi ito pikon kahit asarin mo man siya ng asarin kagaya ng Charot niyang si Sharmaine. Kahit asarin mo ang porma niyang jumper ay wala lang sa kanya. Wala ako masabi dito dahil puro halakhak ang natatandaan ko kapag naiisip ko siya at si Amadeus. Yan si Mary Ann, ang Jabar ng kanto Zapote (Sabi ni Ysa Delfin)! Lagi din tong may dalang camera pero ang laman ay puro si Alyssa. Hindi pa ito nagkakaboyfriend, ayaw niya kasi patusin yung stalker niya. Yiee, ganda nman niya. hahahaha.

>>Ocampo, Kamille/Aling Kurikong
Ito naman si Miss Secretary. Well, siya ang Secretary ng Student Council namin. Parang Manny Villar, Sipag at Tiyaga ang puhunan niya kaya nanalo, 2 beses kasi siya tumakbo. Kahit hindi naman siya manalo ay secretary parin nang buhay namin si Kamille. Corny siya magjoke yung tipong pipilit ka nalang tumawa para sumakit ang baga mo pero nakakatiyempo siya ng banat na talaga namang tatae ka sa kakatawa. mabait din ito katulad ni Christine, na nanlilibre thrice a week. hahaha. Favorite nitong usisain ang blogspot ng school namin kaya nagtop siya sa mga posters. Congrats Kamzeeeeeee! Hindi pa rin ito nagkakaboyfriend kahit maganda siya (Sa pasukan na yung bayad), siguro alam niya ang priorities niya.

>>Pascual, Mikee Denise
Pangalan palang mabibighani kana. Isa rin ito sa mga komedyante ng grupo, ewan ko ba, Babaeng Bading yata yan, ang daming alam na Gay Lingo at mga banat. Swerte nito sa Lovelife, nung First Year kasi crush niya ang Crush ng bayan pero napaluha lang siya nito pero nung 2nd Year aba nag-iba ang ihip ng hangin, naging sila at hanggang ngayon stay strong sila. Ang Boyfriend lang naman niya ay ang Varsity at ang SC Ptesident namin, Gwapo pa at matangkad oh san ka pa? Diba pang TV ang storya. Sana magtagal talaga sila yun bang hahantong nasa kasalan. Hehehehe. Ingat lang mikee ah. ^^

Yan, sila ang 5 babaeng na malapit sa puso ko, kulang pa yan para idescribe sila. Mahal ko yang mga panget na yan kahit pa higupin pa ako ng inidoro ay sila parin ang tunay kong kaibigan. :))

Korean Craze

Sarang Hae!


Di ko alam kung paano nagsimula ang "Korean Invasion" dito sa Pinas pero ang alam ko, marami nang Pilipino ang Hook na Hook na magsabe ng "Annyong" at "Sarang Hae". Isa na ako sa mga Pilipino na iyon. Ang alam ko, "Lavender" (Taiwanovela) ang unang asianovelang napanuod ko bata pa ako nun at nagandahan ako sa storya sinundan ng walang kamatayang storya ng F4, ang Meteor Garden. Bago kasi sa paningin nating mga Pilipino, maikli at nakakaantig ng puso siguro nagsawa na tayo sa mga OA umacting na mga Mexicano at sa sobrang haba ng mga Telenovela nila. Nagsawa na rin siguro tayo sa mga sariling atin na paulit-ulit ang istorya o kung hindi naman ay nireremake lang. Isa-isahin natin ang mga dahilan kung bakit nahook tayo ng sobra sa korea.

1. Koreanovelas
Marahil ay hindi lahat ay gusto ang mga Koreanovelas, baduy daw. Pero sakin nagugustuhan ko ang isang palabas depende sa storya. Bukod sa "Autumn in my Heart", may isa pa akong talagang sinubaybayan ko kahit lumaki na ang eyebags ko. Yun ang "Jewel in the Palace". Naalala ko isang gabi habang hinihintay ko ang "Bubble Gang" ay hindi ko inasahan na magugustuhan ko ito, hanggang sa katapusan ay pinanuod ko ito. Pagkatapos nun BOF naman ang pinagkaguluhan ng Pinas, alam na natin ang itatakbo ng istorya pero sinubaybayan parin natin ang Love Story ni Jan Di at Jun Pyo.

2.KPOP
Oo, alam ko. Sasabihin mo na hindi ko naiintindihan ang kanta nila. Para sa akin kahit di ko naiintindihan ang kanta nila ay makakaenganyo pakinggan. Bago sa pandinig. Sa ngayon kaunti palang ang mga kantang nagustuhan ko dahil hindi naman ako updated sa kanila kagaya ng "Sorry Sorry",Lollipop, "Sorry Sorry Answer,Hate U Luv U, "I Don't Care" at "Bingeul Bingeul". Hindi ko alam ibig-sabihin ng mga yan pero masarap pakinggan. Sa kasalukuyan, Kaunti pa lang ang alam ko sa Kpop pero ang mga kaibigan ko at ako ay gustong matuto ng Korean Language para siguro maintindihan ko ang mga kanta nila.

3. Korean Fashion
Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko yun porma nila. Marahil uso siguro at cool tignan. Nauso dito ang skinny jeans, vest, scarf yung parang pangmuslim o pangAbu Sayaf atbp. Sa kanila rin galing ang mga usong hairstyle ngayon, ang immortal na ''BANGS", kahit san ka tumingin eh, may Bangs ang tao. Name it, umamin ka, uso dito ngayon lahat yan. Kahit ako nagsusuot ako ng mga yan, pati buhok ko ginaya ko na sa kanila.

Yun lang, Siguro hindi naman masama na tumangkilik sa ibang bansa as long as hindi mo ikinakahiya ang lahing pinanggalingan mo at mahal mo bansa mo.

Bottomline :)

Habang ako ay nagcocomputer, may narinig akong sumisigaw na nagmumula sa gate. Dahan dahan ako sa pagbukas ng pintuan. Whoa! Si Tito Boy Abunda nasa labas ng gate namin, di ako makapaniwala. Nanginginig kong binuksan ang gate, pinapasok ko ng bahay at pinaupo sa sofa. Narito ang aming pag-uusap:


Tito Boy: Hi Niel, Well you know me naman. Pumunta ako dito para sa interview, the bottomline way!
Ako: Talaga?! Whoa! I can't believe it.
Tito Boy: Siguro kailangan na nating umpisahan dahil may taping pa ako ng SNN mamaya, Ahihihihi! Okay let's start.
Ako: (Pinipilit hindi tumawa sa tawa ni Tito boy). Oookay.

Tito Boy: What is your full name?
Ako: Anu ba naman yan Tito Boy parang slumbook lang, Jhon Niel Malenab Zapanta. Anu susunod? Define love?
Tito Boy: Ahihihi. Sige, hindi na! Bakit mo ginawa itong Blog mo?
Ako: Well, maraming dahilan Tito Boy. Unang una, Wala akong magawa! For short, I'm Bored. 2nd, nainggit siguro ako sa mga kapwa bored kong kaibigan na mga may blog din. 3, parang diary kasi to. Pero imbes na kamay ang sasakit sayo kakasulat eh daliri nalang.
Tito Boy: Bakit "What the Hell!" ang title ng Blog mo?
Ako: Nanggaling yan sa Expression ko na obviously What the Hell, wala lang. Pero artificial pa naman yan, mag-iisip pa ko ng mas interesting. Paki mo ba?
Tito Boy: Wala naman. Ahmm. Anu-ano mo ang mga nilalaman ng blog mo?
Ako: Good question tito boy, Ang blog ko ay tungkol sa akin, sa experiences ko at mga insights ko about sa iba't ibang bagay.
Tito Boy: Interesting, pasukin naman natin ang personal life mo, galing itong mga questions sa ating mga Bottomliners. Answer these questions by yes or no, if you want to explain then explain.

Bottomline: Are you single?
Ako: Yes, SAWI. Single at Walang iniintindi.
Bottomline: Are you gay?
Ako: No, i'm not. Effiminate lang talaga ako kumilos Tito boy pero hindi ako nagkakaron ng feelings in same gender.
Bottomline: Are you a good friend?
Ako: Tito boy, I can't answer that question. Mga kaibigan mo nalang tanungin ko.
Bottomline: Are you a good son?
Ako: Honestly, I'm not. It's too personal.
Bottomline: Do you have secrets?
Ako: Of course, I do!
Bottomline: What is the capital of Indonesia?
Ako: Niloloko mo ba ko? Ba't naging A.P. Jakarta!
Tito Boy: Well, I think this is enough, Than...
Ako: Teka Tito Boy, ako naman ang magtatanong, Bakit po ba ang kapal ng kilay niyo?
Tito Boy: Thank you Niel for the interview. Sabi nga nila, sa haba ng prusisyon sa bottomline din ang tuloy.
Ako: Thank you.

Ang nasa itaas ay pawang mga kathang isip lamang. Ang magseryoso ay uto-uto. XP

Sunday, April 18, 2010

akosiniel.......

Ehem, Ehem... Well, kagaya ng ibang tao, isa rin ako sa mga nahihirapan sa mga introduction. Siguro, maraming dahilan kaya ako nagkakaganito. Kahit sa school medyo hirap ako sa mga introduction, sawa na kasi ako sa mga "I am Niel Zapanta, I am 15 years old, I live at blah blah blah". Bukod sa very robotic yung style na yun, BORING pa. Iisa-isahin ko ang mga dahilan kung bakit ako nahihirapan sa introduction:

1.First, put the 1/2 teaspoon of sugar on the bowl. Biro lang. Seryoso na!

1. Hindi ko pa kilala ang sarili ko hanggang ngayon.

Malamang marami akong karamay sa sitwasyon na ganito. Ako kasi yung taong masyadong pribado, sa mga malalapit na tao lang ako nagkwekwento about sa sarili ko. Pangalawa, masyado akong MAHIYAIN, yan! Yan ang problema ko hanggang ngayon. Hirap akong makisalamuha sa ibang tao na hindi ko kilala kaya ayokong nagpupunta nga parties eh pero hangga't sa maari eh, gusto kong baguhin tong ugali ko, Pano kaya ako mag-aartista kung ganito ako. Biro lang.

2. Takot ako sa mga first impressions.

Sabi nga nila, "First impressions lasts.". Maraming nag-aakala na ako ay bading, suplado, mataray o masama. Alam ko naman kung saan nila nakukuha iyon. Ngayon palang sasabihin ko ng hindi ako bading, mataray, supaldo, masungit o masama. OK?

3. Hirap ako iexpress ang sarili ko in a good way.

I find it hard kung paano mo maieexpress ang sarili mo. May ibang tao kasi ng inuunang tignan ang negative sa isang tao bago ang positive, diba? Sana matutunan ko kung paano ko mgagawa ang no.3.

Tatlo lang ang pumasok sa isip ko, pero alam ko na marami pa. Di ko lang alam kung anu ano yun. Haist, anyway, Tagalog ako magblog dahil pag inenglish ko ito ay malamang na iisipin niyo kung anung lengwahe gamit ko o alien ako at baka isang araw bago ako makatapos ng isang post.. Honestly, magaling ako mag-english sa katunayan Best in English ako ng tatlong grading noong third year ako pero mas pinili ko ang tagalog dahil simple, PILIPINO ako. Maikli pa siguro itong post na ito para sa mga baguhan, marami kasing first timers na kung makapagpost eh kulang nalang pati ninuno niya sinama niya na sa blog niya. Marami talagang pumasok na idea sa first post ko lalo na nung habang tumatae ako pero nung umupo na ako sa computer chair eh kasing bilis ng utot kung mawala ang mga idea siguro isinama na ng ebak ko yung idea at naflush na sa kubeta. HAHAHAHAHAHA. Sorry kung medyo kadiri, sige Kain lang kayo. XD

Sorry kung maraming typo dito o medyo walang sense o naliligaw ang mga idea bawat sentence. Sorry, FIRST TIME ko to. Pagbigyan niyo na ako. Hahahahaha. What the Hell.